Ano Ang Naging Epekto Ni Donya Victorina Sa Nobelang Noli Me Tangere At Iba Pang Mga Karakter?

Ano ang naging epekto ni Donya Victorina sa nobelang Noli Me Tangere at iba pang mga karakter?

Noli Me Tangere

Donya Victorina:

             Sa nobelang Noli Me Tangere si Donya Victorina ang nagmulat sa mga mambabasa ng katotohanan ng pagkakaroon ng colonial mentality o isip kolonyal. Ang malaking impluwensya ng mga kastila sa kanyang karakter at uri ng pamumuhay sa naturang nobela ay isang konkretong halimbawa ng isip kolonyal. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paggamit ng tabako at paglalagay ng kolorete sa mukha. Mahihinuha na siya ay nabibilang sa mga Pilipinong hindi tanggap ang kanilang identity at lahi. Ang pagpapalagay niya na siya ay higit na mababa kaysa sa mga babaeng kastila ang nagdulot sa kanya ng matinding kagustuhan na sila ay mapantayan.

             Hindi lamang si Donya Victorina ang nagpamalas ng ganitong pag uugali maging ang mga karakter nina Kapitan Tiyago at ang mahigpit na karibal niya na si Donya Consolacion. Ang mga karakter na ito ay naging sunud sunuran sa mga kastila. Si Kapitan Tiyago ay naimpluwensyahan ng mga kastila sa paniniwala sa mga rebulto at santo maging sa mga tradisyong panrelihiyo tulad ng pagbibigay ng indulhensya at donasyon. Samantalang si Donya Consolacion naman ay nagkaroon ng tuwirang impluwensya mula sa kanyang kabiyak na alperes. Tulad ni Donya Victorina siya man ay mahilig din maglagay ng kolorete sa mukha upang magmukhang kastila.

Para sa karagdagang kaalaman ukol kay Donya Victorina, basahin ang mga sumusunod na link:

brainly.ph/question/2141386

brainly.ph/question/546105

brainly.ph/question/1275140


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Mga Pangugnay?